Kelot, binistay ng bala

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong armado sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay blue na t-shirt at fatigue na shortpants.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa tatlong suspect na umano’y armado ng kalibre 45  na tumakas matapos ang pamammaril.

Sa ulat  ng pulisya, dakong alas-8:10 ng  gabi nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Instruccion at Sobriedad Sts., Sampaloc, Maynila. Nauna rito, nakaduty sina Barangay Chairman Antonio Reyes at Brgy. Kagawad Ariel Reyes ng Brgy. 547  Zone 54  nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at sigawan ng mga tao sa nasabing lugar.

Inusisa ng dalawang ba­rangay officials  at nakitang may nakabulagta nang lalaki  na  duguan ang katawan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang limang basyo ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaril. Isang Baby Banes ang nakakakilala umano  sa biktima na  umano ay si alyas “Pipi”.

Show comments