^

Metro

De-kotseng bebot na snatcher tugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - De-kotse pa at babae mismo­ ang snatcher na tinu­tugis ngayon ng mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) na nambiktima sa isang Korean national na nagtamo ng mga galos  matapos makaladkad at bumagsak nang tangkaing bawiin ang natangay na bag na naglalaman ng lap top, cellphone, passport at $100  sa Ermita, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Sa  reklamong inihain sa pulisya ng biktimang si Ah Jeung Hwan, 30, ng South Korea at pansamantalang nanuluyan sa Manila Pa­villon Hotel sa UN Ave., Ermita, hinablot umano ang kanyang bag dakong alas-4:30 ng hapon, habang naghihintay ng taxi sa UN  Avenue sa panulukan ng M. Orosa St.

Nag-check-out umano sa nasabing hotel ang biktima at  patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para umuwi na sa kanilang bansa at hindi agad napansin  ang dumaang Mitsubishi Ad­venture na may sakay na babae ang humablot ng kanyang bag.

Tinangka pang habulin ng biktima ang sasakyang may plakang “ZKN-441” o “ZKN-411”  subalit kahit nahawakan na ang pintuan ng sasakyan ay mabilis na pinatakbo ng lalaking driver kaya nakaladkad siya at bumagsak sa kalye, sanhi rin ng pagkakaroon niya ng mga galos.

Dahil dito, nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya kasabay ng pagberipika sa kung sino ang may-ari o nakarehistro ang nasabing sasakyan.

AH JEUNG HWAN

DAHIL

ERMITA

MANILA PA

MANILA POLICE DISTRICT

MITSUBISHI AD

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OROSA ST.

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with