Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Isang kuliglig driver na pinaghinalaang informer o police asset ang pinagbabaril at napatay habang nag­hahatid ng pasahero, kung saan nadamay pa ang babaeng sakay nito sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Carlito Dela Cruz, 23, binata, ng Moriones St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan. Dalawang lalaki ang sinasabing nag-abang at bumaril sa biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Dakong alas-12:30 ng madaling araw nang ma­ganap  ang insidente sa Isla Puting Bato, sa Del Pan St., Tondo, Maynila. Nabatid na kinontrata o inarkila ng mag-asawang Reynaldo at Sonia Invento, ang  nasawi upang ihatid sila sa Isla Puting Bato.

Habang binabagtas ang nasabing lugar ay bigla silang pinara  ng mga suspect subalit imbes na tumigil ang biktima ay pinaharurot nito ang kanyang kuliglig dahilan upang barilin siya ng mga suspect at  bumag­sak ito habang ang mag-asawa ay tumalon mula sa kuliglig.

Dead-on-the-spot ang biktima habang si Sonia ay tinamaan din ng bala sa kaliwang hita.

Show comments