Ama dinakip sa pagkadena sa anak

MANILA, Philippines - Isang ama ang dinakip ng pulisya matapos nitong ikadena ang kanyang anak na dalagita dahil umano sa pagiging pasaway,  kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong sa Caloocan City Police Station ang suspek na ama na si Marcial Nolasco, 50, ng Libis Baesa ng nabanggit na  lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ama sa nabanggit na lugar.

Nabatid na dalawang araw na hindi umuwi ang 14-anyos na anak ng suspect na itinago sa pangalang Ana.

Dahil dito nagalit si Marcial sa pasaway na anak at ikinadena ang mga paa nito. Ilang ka­pitbahay ang naawa sa biktima na naging dahilan upang isumbong sa mga pulis ang insidente.

Nang puntahan ng mga pulis ay pinakawalan ang biktima habang dinala naman sa pre­ sinto ang suspek.

Show comments