Seaman nag-amok ka-live-in, 3 pa niratrat, patay

MANILA, Philippines - Apat katao ang na­ sawi at apat rin ang nasa kritikal na kon­dis­yon matapos na pag­­babarilin ng isang nag­walang seaman da­hil lamang sa selos sa kanyang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa katawan ang bikti­ mang si Eden Dela Cruz, 37, ng Tierra Nova Ro­yale Subdivision, Ba­gum­ bong ng nabanggit na lungsod.

Dead-on-arrival na­man sa pagamutan sanhi rin ng tama ng bala sa katawan sina Benjamin Templonuevo, 17; Arnold Dizon, 32 at Elizabeth Templonuevo, 48, pawang ng nabanggit na lugar.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sina Archie Artugue, 23; Julius Ber­nardo, 19; Maria Dina Lagonerio, 23 at Jover Ricana, 15.

Arestado naman ang suspek na si  Rolly Ra­pit, 33, live-in partner  ng biktimang si Dela Cruz.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng gabi sa bahay ng suspek at biktimang si Dela Cruz.

Sinasabing umuwing lasing ang suspek na si Rapit at inaway  ang kinasamang si Dela Cruz dahil sa matinding selos hanggang sa kunin ng una ang kalibre .9mm na baril at pinutukan nito ang huli.

Papatakas na ang suspek nang mada­anan ang nagkakasayahang kapitbahay dahil may nag­diriwang ng ka­ara­wan at walang sabi-sa­bing pinaulanan din ng bala ang mga ito.

Nang maubusan ng bala ay saka lang napi­ gilan sa pagwawala ang suspek hanggang sa magdatingan ang mga pulis at dinakip ito, ang mga biktima na­man ay dinala sa nabanggit na mga ospital.

Show comments