Senglot hulog sa gusali tigok

MANILA, Philippines - Tuluyan na ang pamamahinga ng isang lasing  na pedicab driver, na nahulog mula sa ika-apat na palapag ng gusali  nang sumampa sa gilid ng veranda upang magpahangin at magpahinga, sa Balut, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center dahil sa pagkabagok ng ulo ang biktimang si Danilo Oquina, 45, may-asawa, residente ng Parola Compound, Tondo Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Building 25, Unit 403 Permanent Housing,  Balut Tondo.

Ayon sa kaanak at sak­­­sing si Rudy Oquina, 42, la­sing na  ang biktima at  nagawang umupo sa pa­samano o gilid ng veranda ng nasabing gusali para ma­­kapagpahinga subalit nawalan umano ng balanse kaya bumulusok ito sa ibaba at tumama sa semento.

Wala ding nagawa ang pagnanais nilang maisalba ito nang isugod sa ospital. Dinala na sa Sol Funeral Parlor ang bangkay.

Show comments