40 truck ng basura, nahakot ng MMDA sa sementeryo

MANILA, Philippines - Matapos ang paggunita sa Undas, 40 truck ng ba­sura ang nahakot ng mga tauhan ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kabilang dito ay ang Manila North at South ce­metery­, La Loma Cemetery, Loyola Memorial Park, Li­bingan ng mga Bayani, San Juan at Valenzuela Public Cemetery at  sementeryo sa Pasig City at Pateros.

Karamihan sa mga   nahakot na basura ay mga plastic bottle, styrofoam, supot at tirang pagkain.

Sinabi ni Tolentino na naging maayos naman ang  monitoring at paggunita ng Undas gayundin ang  ipinatupad na sistema  sa mga kalsada at  daloy ng trapiko.

 

Show comments