Fetus sa garapon

MANILA, Philippines - Isang fetus na nakalagay sa garapon ang natagpuan sa isang sementeryo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Alas-10:00 ng umaga nang makita ng isang 12-anyos na totoy ang fetus na hindi pa batid ang kasarian sa loob ng La Loma Cemetery sa C-3 Road ng lungsod.  

Mabilis na ini-report sa pulisya ang insidente at pag­responde ng mga ito ay posi­tibong fetus ang laman.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng naturang fetus.

 

Show comments