Smart libreng tawag ngayong Undas

MANILA, Philippines - Magtatayo ng libreng tawag stations ang Smart Communications, Inc. sa may entrance ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery mula Oct. 31 hanggang Nov. 1 bilang serbisyo sa mga dadalaw sa kanilang mga namayapang kamag-anakan ngayong All Souls’ Day. Ang Smart libreng tawag ay bahagi ng malawakang public service initiative ng Kapatid network TV5 na sa tulong din ng Maynilad at One Me­ralco Foundation ay maghahatid ng libreng tubig, libreng cellphone charging, libreng blood pressure monitoring at libreng­ wheelchair para sa mga senior citizens ngayong Undas.

Show comments