Scavenger todas sa sekyu

MANILA, Philippines - Napatay ang isang lalaking basurero matapos barilin ng security guard ng Chinese restaurant na kaniyang pinasok sa Binondo, Maynila kahapon ng hapon.

Inilarawan ang hindi pa nakilalang biktima na nasa edad 25-30, walang damit pang-itaas, nasa 5’4’’–5’6’’ ang taas, nakasuot ng kulay maroon na shortpants. Sumuko naman sa  Gandara Police Community Precinct  ang sekyu na si  Jay Arr Pines Macahilas, 22, ng Forefront Security Agency at residente ng Yakal St. sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Paul Dennis Javier ng MPD-Homicide Section, dakong alas-2:15 ng hapon nang maaktuhan ng guwardiya ang biktima na nasa loob na ng kusina ng Mandarin Restaurant sa Ongpin St., Binondo.

Nang sisitahin ang biktima ay inundayan ng taga ang guwardiya su­balit mabilis na nakailag kaya binaril nito.

Nakatakbo pa ang biktima na nagdaan sa gilid ng Estero de Magdalena subalit biglang tumimbuwang at binawian ng buhay.

Bago umano ang insi­dente, nakita pa ang biktima na namumulot ng ba­sura sa gilid ng nasabing estero

Show comments