MANILA, Philippines - Umaabot na sa 590 iba’t ibang loose firearms o mga baril na walang lisensya ang nasamsam ng mga operatiba mula sa limang distrito ng pulisya sa serye ng operasyon sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO), ang nasabing bilang ng mga armas ay naitala mula Enero hanggang Oktubre 24, 2012.
Sinabi ni Espina na ang matagumpay na pagkakasamsam ng mga loose firearms ay bunga ng pinalakas na police operations kontra boga, saturation drive, checkpoints, search warrant , warrant of arrest, mobile at foot patrol at iba pa.
Nanguna naman ang Central Police District ng pinakamaraming nakumpiskang armas na umaabot sa 169.
Pumangalawa naman ang Manila Police District sa naitalang may 151 ang nakumpiska, sinundan ng Northern Police District na may 112 baril habang sa Southern Police District naman ay umabot sa 108, at ang 50 armas naman sa Eastern Police District.
Ayon sa opisyal, tuluy-tuloy ang operasyon ng NCRPO kontra loose firearms upang maiwasan ang mga karahasan.
Samantala, inaasahan namang madaragdagan pa ito hanggang sa Disyembre kaugnay ng puspusang implementasyon ng devolution plan ng NCRPO.