^

Metro

4 na ‘tulak’ huli sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na hinihinalang tulak ng iligal na droga ang dinakip ng mga tauhan ng Makati City Police sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati Police, ang mga ina­resto na sina Joseph Calibuso, 47; Rodel Dogilio, 24; Alfred Basco, 25; at Roberto Ganuso, 47.

Sa ulat na ipinadala sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Anti-Illegal Drugs unit (SAID) at Makati Drug Abuse Council (MADAC) sa Acacia St., Brgy. Cembo makaraan ang sunud-sunod na ulat ng lantarang pagbebenta ng iligal na droga ng suspek na si Calibuso.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakipag­transaksyon kay Calibuso upang makabili ng isang sachet ng shabu na nagka­kahalaga ng P300. Nang magkabayaran ng marked money, agad na dinakma ng mga nakaposisyon na pulis si Calibuso maging ang tatlong kasamahan nito.

Nang kapkapan ang ibang mga suspek, nakumpiska umano sa posesyon ng mga ito ang ilan pang sachet na naglalaman ng iligal na droga.

 

vuukle comment

ACACIA ST.

ALFRED BASCO

CALIBUSO

DRUG ABUSE COUNCIL

JOSEPH CALIBUSO

MAKATI CITY POLICE

MAKATI POLICE

MANUEL LUKBAN

NANG

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with