^

Kutob

Abril 9, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Mapapatunayan mo na sa iyo ang araw na ito. Kung nasa relasyon, huwag kaagad bibigay, subukan mo pa siya. Madaragdagan ang responsibilidad, magpakatatag para makita ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 20, 32 at purple. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Sumabay sa agos at tugtog ng buhay para mabawasan ang nararamdamang sama ng loob. Mag-relax ka muna. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 47, 42 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Papaburan ng mga kaibigan ang iyong napupusuan. Pero taglayin ang karunungan sa pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 35, 40 at shocking pink. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging masigla ang paglalagi sa bahay kasama ang mga minamahal. Mayroong hihingi ng pabor sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 24, 40 at ivory white. 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maraming magtatangkang manligaw sa iyo pero hindi lahat ay malinis ang layunin. Maging matalino. Lucky nubers at color for the day ang 9, 16, 21, 37at corn yellow. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging balisa ka dulot ng maling pasiya na iyong ginawa. Ituwid mo ito para magkaroon ka ng mapayapang isip. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 25 at turquoise. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Makakakita ang oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 29, 39 at royal blue. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ngayon mo aanihin ang wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Matutupad ang pangarap mo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 20, 26, 33 at maroon. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maging handa sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig. Huwag abusihin ang katawan. Lucky number at color for the day ang 1, 21, 30, 40 at white. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Masisiguro sa iyo ng kasosyo na uubra ang iyong hiling. Makakasama mo sa araw na ito ang iyong minamahal.Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 27, 38 at violet. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Mapapansin nila ang iyong kalungkutan, kahit itagpo mo pa. Maging handa palagi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 28, 39 at burgundy. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magkakaroon ng katahimikan ang puso sa araw na ito. Pahalagahan ang payo ng nagmamalasakit sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 23, 30 at cherry red. 

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->