Marso 12, 2025
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Huwag umastang alam mo ang lahat ng bagay na sa totoo ay nagdunong-dunungan ka lamang. Sikapin na itutok ang atensiyon sa ginagawa para maging produktibo. Ang mahigpit na disiplina sa sarili ay kailangan mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 28, 38 at brown.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – May banta na hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan. Selos ang pangunahing dahilan nito. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 23, 33 at royal blue.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Tamang panahon para pag-aralan kung papaano babalansehin ang lahat ng aspeto tungkol sa sariling buhay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 23, 33, 39 at red.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Alam mo kung anong nararamdaman, pero pipiliin mong sarilihin. Mas mainam na magpakatotoo sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 31, 44 at blue.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Mag-aalanganin ka sa iyong gagawin. Pero sa totoo lang, magtatagumpay ka kung buo ang loob. Lucky numbers at color for the day ang 17, 22, 37, 39 at yellow.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Kung bigo ka noon, doblehin ang pagsisikap dahil magiging malawak ang daan ng tagumpay ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 34, 39 at pink.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Malakas ang impresyon at gusto sa mga materyal na bagay. Kung walang disiplina sa sarili, kakapusin ka sa budget. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 29, 43 at brown.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Seguridad at tunay na pag-ibig ang hangad mo sa isang relasyon. Ngayon mo ito pag-aralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 39, 42 at fuchsia.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Sarili ang magdurusa sa pagkikimkim ng sama ng loob. Pakawalan ito sa taimtim na manalangin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 36, 42 at peach.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Ang inggit ay maraming anyo, gagayahin ka, hihigitan ka. Ang masama ay itsitsismis at sisiraan ka. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 36, 40 at green.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Walang hindi naghahangad ng bakasyon. Pero kung hindi pa afford, i-delay muna para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 39, 40 at cream.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Hindi maiiwasan na darating ang problema. Magpakatatag ka lang dahil malalampasan mo ‘yan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 19, 27, 37 at light blue.
- Latest