Oktubre 3, 2024

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag magsimula ng bagong gagawin kung hindi pa tapos ang nauna. Kung pagod, hayaan makapagpahinga ang katawan para mailayo ang sarili sa pagkakasakit. Magbubukas ang isang oportunidad sa’yo. Magiging happy ka! Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 23, 31, 40 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Tuparin ang ipinangako dahil salamin ito ng pagkatao. Baguhin ang sobrang mapaghinala sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 39, 33, 21 at light brown. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Pag-aralan ang magandang paraan kung papaano magiging kaakit-akit. Walang tututol sa’yong nais. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 25, 38 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung palaging magulo ang relasyon, walang dahilan para manatili. Huwag mag-alala dahil may nakalaan para sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Malilibang ka sa panono-od. Pansamantalang makakalimot sa suliranin. Isang magandang balita ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 33, 43 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mali ang iyong hinala. Huwag basta umayon sa mga bagay na hindi ka nakakasigurado. Pagbigyan ang hiling ng kaanak. Lucky numbers at color for the day ang 23, 46, 59, 13, 31 at cyan blue.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Mahalin mo muna ang iyong sarili para mahalin ka rin ng iyong kapwa. Dedma ka lang sa bad attitude ng iba at maging masaya ka.  Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 24, 41 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag magtaka sa ginawa sa iyo, dahil ganyan ka rin. May magandang makakamit kung magbabago. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) Hindi maiiwasan na humingi ng pabor. Kung mainit ang ulo ng mahal, manahimik muna. Kumuha ng tiyempo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 18, 38, 42 at blue.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Malakas ang persuasive side mo ngayon. Anuman ang i-offer, makakakuha ka ng buyer.  Lucky numbers at color for the day ang 53, 36, 49, 22, 11 at satin white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mag-ingat sa mga taong ‘di ganap na kilala dahil maaaring  mabiktima ng mandaraya at mandarambong. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 35, 40 at green.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag ng magkumento upang hindi magatungan at lalong sisiklab. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

 

Show comments