^

Kutob

Agosto 16, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy dahil magtatagumpay. May manghihingi ng payo tungkol sa pag-ibig o personal na suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mayroon ka. Huwag manira ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Makakakilala ng tao na magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro mo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag labis na magpokus sa isang bagay at mababalewala ang iba. Huwag magmadali, ikaw pa rin ang mananaig. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Nasa iyo ang katangian at kakayahan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Nasa kamay mo ang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ng bulkang sasabog. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na makatulong sa ikatutupad ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag pagurin ang sarili sa bagay na hindi nauunawaan ng lubusan dahil magsasayang lang ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusan na maunawaan, kahit kaunti ay may nalalaman. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gagawin nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag sumuko. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema ay makukuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with