^

Kutob

Agosto 14, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Kailangan paminsan-minsan, ikaw ang magbaba ng pride. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang imik. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat ng minamahal sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maganda ang personalidad na aakit sa mga kaibigan lalo na sa mga tagahanga. Sa pag-ibig, happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pag-sagot sa manliligaw, makakabuting pag-isipan muna bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Maging mahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan, na susulpot mula sa kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Nasa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak ay dapat resulbahin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavander. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Marami ang nakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na swerte o katanyagan dahil bawiin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink. 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho. Bagay kayong dalawa. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 magenta. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia. 

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan dahil maraming kaagaw. Maging tapat para magugustuhan ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige. 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with