^

Kutob

Agosto 13, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Unahin ang kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at red. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-akalain. Isang dating insidente ang mauulit na hindi sinasadya. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi mapapasubo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasang gawin dahil walang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at red. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May pabuya na matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin. Maging masaya ang pakikihalo-bilo sa kasamahan, kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon. 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito na hindi mauulit. Ipanatag ang isip. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray. 

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang inisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine. 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa para makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green. 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with