^

Kutob

Agosto 11, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Anumang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers ang color for the day ang 5, 15, 24, 30 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mag-relax dahil makakatulong ito para manumbalik ang enerhiya. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang biruan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak subalit dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 30, 34 at gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Malakas ang tiwala sa sarili, positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Nasa tamang landas ng kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 35, 36 at blue. 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 19, 24 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang pagkakataon sa gustong mangyari. Maging tapat sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 31 at light green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo, magpigil.  Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 25, 31 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magtatagumpay sa nilalakad kung sa uma-ga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Happy ka! Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Alam mong tama ka, pero huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 21, 39 at fuchsia.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Nasa kondisyon ka at handang harapin ang anuman. Magiging masiyahin na ikagugulat ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Makikilala ngayon ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May mag-aalok ng trabaho. Pag-aralan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihan kaysa kasalukuyang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with