^

Kutob

Hulyo 20, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag pagurin ang sarili sa pag-gawa ng bagay na hindi naman nauunawaan nang lubusan dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusan na maunawaan, kahit kaunti ay may alam ka. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain nang makaiwas sa pagsasayang ng oras. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Nasa iyo ang kakayahan, kailangan lang pag-ibayuhin. Tiyakin na nasa panig ang pabor sa pakikipagtransaksiyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil daig pa ang bulkan na sasabog. Panatilihing positibo ang pananaw. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong para matupad ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makakakilala ng tao na magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro mo. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag labis magpokus sa isang bagay, dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag kaagad sumuko. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon ay makukuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin ay ipagpatuloy. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Sa halip na maghanap, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagugustuhan, hanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with