^

Kutob

Hulyo 19, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Natakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Bagay kayong dalawa kung magkakasundo. May mahalagang desisyon na gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema dahil hindi makakapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia.  

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang pangako. Alamin ang dahilan. Huwag basta magalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Maging mahinahon at magpasensiya. May hindi pagkakaunawaan ang susulpot. Kunin ang magkabilang pa-nig. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak ay kasalanan mo. Bumawi ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Marami ang makakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natanggap na suwerte dahil babawiin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maganda ang iyong personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan. Lalo kang hahangaan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Kung inaakalang hindi tama ang gagawin, pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag asahan na sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw sa atensiyon niya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 25, 36 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal para hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at ocean blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasasalamat sa’yo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 31, 38 at violet.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with