^

Kutob

Mayo 1, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magpakahinahon dahil mapapasabak sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili, ipakita ang kakayahan dahil kailangan ngayon. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Makulay ang araw sa mga taong may magandang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Lucky numbers at color for the day ang  3, 7, 36, 41 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magtatagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap mo. Magsisimula nang pitasin ang matamis na bunga. Lucky numbers at co-lor for the day ang 2, 9, 14, 30 at red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Dalawang uri ang payo, may makakabuti at may makakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga ng payo. Lucky numbers at co-lor for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Iwasan magtampo dahil walang mapala kundi sakit ng damdamin at magiging emosyunal. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at emerald green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at camilia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan ang mangako dahil hindi matutupad. Ang usapan ay salamin ng pagkatao, hindi dapat masira. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung makakapagtrabaho, maaaring maging maikli ang pasensiya. Sikapin na mapaglabanan, maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag aksiyahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring makatanggap ng magandang balita mula koreo, telepono o sa makabagong teknolohiya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal o matatamis na salita, kundi sa gawa at pang-unawa. Lucky numbers at co-lor for the day ang  5, 10, 25, 36 at green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Iwasan ang mapaglarong isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ide-ya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with