Pebrero 24, 2024

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangungulit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Mas matimbang ang kadugo kaysa kakilala o ibang tao. Mag-ingat dahil baka mapahamak sa papanigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 29, 38 at avocado green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang bawat tao normal na may problema. Ang hindi normal ay maging emosyunal at magpadala sa agos. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 39, 42 at red.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Maaliwalas ang panahon para sa iyo. Walang magiging problema sa trabaho at maging sa tahanan. Lucky numbers at co-lor for the day ang 15, 20, 29, 33 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging mahina ang tiyan lalo na sa proseso ng panunaw. Mag-ingat sa kakainin para walang maging problema. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 23, 41 at maroon.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Mabuti kang tao, mabait, matulungin at mahusay makisama. Subalit huwag magtiwala dahil may iilan na gusto kang ilaglag. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 39, 43 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Dakila ang puso sa hangaring makatulong, pero ang sarili ay kapos. Para magawa ito, dapat may sobra ka. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 31 40 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag maliitin ang gawa ng iba dahil may mga bagay na kaya nila na hindi mo kaya. Huwag kang makumpara. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 36, 38 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Nang dahil sa rami ng trabaho, mangangalay ang katawan. Magpahinga ka ng sapat. Lucky numbers at color for the day ang 13, 14, 26, 37 at jade green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya, ang mag-ingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –  I-charge to experience ang pagkakamali at huwag ng ulitin. May solusyon sa problema, huwag ka panghinaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Lakasan ang loob. Makakaranas ng pangyayaring hindi makakalimutan. Giginhawa ka rin sa aspetong pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28 39 at gray.

Show comments