Pagtitibay: Sa grasya ng Maykapal, makakaraos ang buong maghapon. Sa patnubay Niya, malalampasan ang lahat ng pagsubok.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maisasakatuparan ang gustong mangyari. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwa Taurus o isang Gemini. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at Sky blue.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng lihim ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at Jade green.
CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng Pisces o Virgo. Doblehin ang pag-iingat kung may kaibigan na ang pangalan ay nagsisimula sa A, E o M. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang pangalan ay nagsisimula sa titik B, N at W. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at Pink.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasan na magbalak pumasok sa aktibidad na magastos. Makakabuting suriin muna ang budget para hindi mapasubo at nang walang pagsisisihan. Pagtuunan ang pagpapaunlad ng professional skills. Iba kaysa sinabi ang motibo ng taong nangako sa usapan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at Yellow.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Huwag iisantabi na lamang ang suliranin sa pera, dahil maaaring ang isang himala kung patuloy na magiging masipag, disiplinado, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili upang magkaroon ng tiwala ang koneksyon o contact. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at Scarlet.
LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Umaayon ang panahon upang pagtuunan ng pansin ang kalusugan. Pag-aayos ng tahanan ang pagbabalingan ng atensiyon. Mapagtutuunan ng pansin ang nutrisyon, diet at exercise. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya, kung kailan maglalabas at magtatago ng salapi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at Fuchsia.
SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan.Paraan lamang ito para ikaw ay manlamig. Ang pakikipagtikisan sa nakatataas sa tungkulin ay makakaapekto lang sa sarili. Sundin ang patakaran at alituntunin nang pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at Red.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad ng sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makakapagpigil, may makakasagupa na hindi pinangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at Pale yellow.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Daragdag sa problema ang perang hiniram na hindi mababayaran. Iwasan na maging matamlay dahil magkakapagpabigat lalo ito sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at Indigo.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ang maayos na takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag kalimutang magpasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa gabi, maligaya ang pagsasama sa minamahal o sa piling ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at Rose quartz.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Mauubos ang mga oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at Violet.
ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maganda sa aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng extra. May kaunting kalituhan tungkol sa schedules o sa trabaho. Maisasaayos ang gusot o suliraning pang-puso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at Bright yellow.