Oktubre 24, 2015

Pagtitibay: Maganda ang buong araw ko, dahil alam kong laging nakamasid ang mapagmalasakit nating Diyos.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masaya at masigla dahil sa pag-ibig. Tamang panahon ang night outing o date. Sa pag-akyat ng ligaw, masaya kang sasalubungin ng iniibig at mga magulang niya. Sayang nga lamang dahil malamang kapos ka sa panggastos. Lucky numbers at color for the day ay 14, 22, 36, 40 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kasaganahan ang hatid ng signos. Positibo rin sa pag-ibig, pagkain, pera o kagamitan. Maaaaring walang problema at maaliwalas ang buong araw subalit dapat paghandaan ang darating na bukas. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 23, 37 at burgundy.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung buo ang loob, makakamit ang gusto kung paiiralin ang sipag at tiyaga. Walang makakamit na kabutihan kung walang gagawin at magmumukmok na lang. Maaaring mabuksan ang tamang landas ng kaunlaran kung nanaisin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 31, 45 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang pamamasyal sa gabi para maiwasan ang hindi inaasahan o hindi akalain. Kung nagmamaneho, dobleng ingat ang dapat. Kung may balak na paglalakbay, ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ay 7, 21, 31, 40 at green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Para hindi mapasubo, iwasan na mapasali sa usapan nang may usapan. Makakabuti ang manahimik at makinig na lamang. Sadyang normal na magkaroon ng suliranin. Sa tahanan, may problemang dapat ayusin tungkol sa kasam-bahay o mga anak. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 32 at lavender.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung may alinlangan, dapat ang masinsinang komprontasyon para matiyak na buhay o patay na ang tiwala. Huwag basta maniwala sa tsismis o sulsol. Tiyakin na nasa katuwiran bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 35, 42 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maging praktikal sa kabila ng pag-aalinlangan sa dapat gawin o hangarin. Ang hindi inaasahang darating ay maaaring kabaligtaran ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 15, 17, 23, 26 at yellow.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Isang Aries o Virgo ang magbibigay ng surpresa, kaligayahan o tulong. Kung may birthday celebrant sa pamilya, magi­ging masaya kung idadaos sa tahanan kasama ang mga barkada, kaibigan at mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3,9, 10, 31 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May hatid na suwerte ang Pisces. Dapat kumilos para matamo ang biyaya at suwerte. Kung ano ang iniisip, gawin. Dapat huwag mag-aksaya ng oras para makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 16, 28 at beige.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magkakaroon ng maikling paglalakbay tungkol sa trabaho, negosyo o personal. Inaayunan ng panahon na maging positibo ang resulta ng  nilalakad. Kung ano ang nasa isip, gawin kaagad dahil kaunlaran ang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 36 at light blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Hindi normal kung walang problema. Huwag mag-alaala dahil ang taglay na problema ay may kalutasan. Ang tampuhan ng magkasintahan, magkakaibigan o magkakamag-anak ay parang bula na nawawala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 27, 30 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Tama ang panahon para makabawi sa pagod sa nakaraan. Kung day off, masayang manatili sa tahanan at magpahinga. May pagkakataon na madalaw ang kamag-anak o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 18, 28, 32 at gray.

Show comments