^

Kutob

Abril 28, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Pinagtatagumpay ako ng Dios sa lahat ng bagay.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May magandang gan­timpala ang naghihintay sa magandang asal at gawain. Kung nagkalayo man kayo ng minamahal, huwag magdamdam dahil dito masusubok ang katatagan at katapatan ng bawat isa. Huwag mabahala tungkol sa trabaho dahil walang pagbabago ang magandang impresyon ng nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 19, 29 at peach.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang mahalagang tungkulin na ipinagkaloob ay magiging daan ng pro­mosyon na dapat gampanan nang buong katapatan at kahusayan. Huwag mag-atubili, magtanong kung hindi ma­liwanag ang sinasabi para maiwasan ang magkamali. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga bagay bago simulan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 39, 40 at cream.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang magbigay ng bahagi ng kinikita ay lalong magdaragdag sa biyayang tinatamasa. Tiyakin ang tulong ay ipagkaloob sa tamang kamay. Maging maingat sa mga taong mapagsamantala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 27, 37 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mapapanatili ang magandang takbo ng career. Mag-ingat dahil may mga kasamahan na gustong makamit ang iyong pwesto. Iwasan na may mapansin o maipintas ang mga kasamahan dahil ito ang magiging hakbang ng paninira. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 39, 41 at pink.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mananatiling masagana ang daloy ng pananalapi. Magiging normal ang takbo ng trabaho at mga gawain. Kung may kaunting suliranin na lilitaw, huwag mabahala dahil nasa panig ang katugunan at kalutasan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 14, 25 at green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Upang hindi maka­sakit ng damdamin ng kapwa at maiwasan ang naka-ambang gulo, huwag patulan ang anumang inaakalang hindi magandang mula sa iba. Hinihingi ng panahon ang iyong pagkamahinahon dahil magiging talo ka kung mapipikon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 29, 39 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Isang kapwa Scorpio ang magbibigay ng tuwa, kagalakan o hina­na­kit. Pairalin ang pagtitimpi dahil kung magkakasa­gutan, ito ay lalala at hahantong sa sabunutan o away na pang matagalan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 19, 30 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Pa­nahon na para gamitin ang likas na talino para makamit ang tagumpay. Kung may magandang plano para umunlad, huwag idaan sa salita lamang dahil sa kilos at sa gawa makikita ang bunga. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 33, 45 at navy blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maisa­sakatuparan ang matagal mo nang pangakong binitiwan. Kung may maririnig na masakit na salita, walang ibang sisisihin kundi sarili. Ang kapalpakang nagawa ay aral na dapat simulang baguhin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 14, 34 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang sariling sikreto ay malamang mabubuking o may sikreto ng iba na iyong malalaman. Huwag mabibigla dahil ang pangyayari ngayon ay matagal mo nang alam na darating o mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 30, 42 at orange.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – May kaibigan o kasa­mahan ang susubok ng iyong kakayahan o pagtitimpi. Huwag mapikon kung may magbibiro o mangungulit. Gampanan ng tama ang bawat gawain upang walang mapunang­ masama laban sa iyo. Iwasan ang ma-late sa oras ng pasukan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 39 at light gray.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Huwag maging maramot para hindi takasan ng magandang kapalaran. Ang anumang tampuhan sa karelasyon ay dapat hanapan ng magandang solusyon kaagad bago lumala. Upang manatili na laging maganda ang kalusugan, disiplina sa sarili ang kailangan. Huwag magpautang dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 16, 36 at brown.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAHIL

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with