Kidnap gang leader tiklo sa Sultan Kudarat

 

MANILA, Philippines – Arestado sa mga pulis at Marines ang isang hinihinalang lider ng isang kidnap group sa isang operasyong isinagawa sa Sultan Kudarat nitong Araw ng Pasko.

Nakilala ang suspek na si Guiaman Esmael Manda, kilala rin sa alias na “Boy Timako”, umano'y lider ng isang grupong sangkot sa pagdukot sa ilang negosyante sa Central Mindanao.

Naaresto si Manda kasama ang kanyang anak na si Jing Kamdan Manda, na pinaghahahanap din dahil sa mga kaso ng kidnapping, sa pagsalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at Marine Battalion Landing Team 1 sa kanilang hide-out sa Barangay Bulibod.

Samantala, nakatakas naman ang mga kagrupo ng mag-amang Manda bago pa dumating ang mga awtoridad sa kanilang pinagtataguang lugar.

Show comments