Kurashiki, Creamline magsasalpukan
MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang Kurashiki ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Creamline sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.
Haharapin ng Ablaze ang Cool Smashers ngayong alas-6 ng gabi, habang sa alas-4 ng hapon magkikita ang Cignal HD Spikers at EST Cola ng Thailand sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pinadapa ng Kurashiki sa pamumuno ni dating top scorer Asaka Tamaru, import ngayon ng Farm Fresh, ang Creamline via five-set victory para sa titulo ng 2023 PVL Invitational Conference.
Kinumpleto ng Japanese team ang six-game sweep sa naturang komperensya.
Pinadapa ng Ablaze ang Foxies, 25-13, 25-16, 25-16, at ang EST Cola, 25-20- 25-18, 23-25, 25-21, para sa 2-0 baraha.
“We were happy to play again in front of the PVL fans, but in this first game, the players were nervous, and it was a so-so performance. We need to be better,” ani coach Hideo Suzuki.
Umiskor ang Cool Smashers ng 25-13, 25-12, 25-15 panalo sa EST Cola sa una nilang laro.
Samantala, kinuha ng Nxled si veteran Italian coach Ettore Guidetti kapalit ni Chinese coach Chen Gang.
- Latest