Binabalikan matapos iwan
Dear Dr. Love.
Ako po si Celly, 25 years old at may anak na 7 years old sa dati kong boyfriend. Apat na taon kaming nagsama, pero naghiwalay kami dahil pinagpalit niya ako sa mas bata sa akin.
Nagkita kami muli ng tatay ng anak ko last December. Nagsisisi raw siya dahil ang babaeng kinakasama niya ngayon ay lumabas din ang tunay na kulay na malayo raw sa maganda kong katangian.
Mahal ko pa ang ex-boyfriend ko, pero may isang taong anak na rin sila ng bago niyang kinakasama. Nawala ang galit ko sa kanya, pero natatakot na ako, na baka magbago na naman siya at iwan muli kami ng anak ko.
Maayos naman kami ng anak ko, basta huwag niyang pabayaan ang sustento sa anak namin. Tahimik na ang buhay naming mag-ina, pero nangungulit uli siya. Payuhan n’yo po ako. Ayaw ko nang magkamali muli.
Michelle
Dear Michelle,
Huwag ka agad magdesisyon dahil marami kang dapat pag-aralan. Gaano ka sigurado na seryoso at sinsero ang pakikipagbalikan niya sa iyo?
Paano na ang bagong anak ng ex-boyfriend mo, matitiis mo rin bang mawalan din ng tatay na kakalakihan tulad ng anak mo? Paano ang magiging set up ninyo at ng naanakan niyang babae?
Kung tahimik na ang buhay ninyong mag-ina, bakit papayag kang magulo pa ito muli? Hindi ko sinasabing huwag mo siyang bigyan ng second chance, pero tiyakin mo ang kanyang motibo at hanggang kailan siya mananatili sa inyong mag-ina? Naway makapag-isip at magdesisyon ka ng maayos para sa ikatatahimik ninyong mag-ina.
Dr. Love
- Latest





















