Dear Dr. Love,
Hello sa inyo at sa mga readers ng iyong malaganap na column. Tawagin mo na lang akong Crecenta, 39 anyos. May tampo ako sa aking mister at tatlong anak.
Napakagaling kong magluto at ito ang pinupuri sa akin ng aking mga kaibigan at ibang kamag-anak. Pero ni minsan, sa 20 years naming ipinagsama, hindi ako pinuri ng aking asawa at mga anak.
Syempre, malaking kasiyahan sa akin na pagod sa araw-araw na pamamalengke at pagluluto na hangaan naman ng pamilya ko ang aking pagluluto.
Naiisip ko tuloy na sadyain kong alatan ang luto ko at baka mapansin nila. Ano ang maipapayo mo sa akin?
Crecenta
Dear Crecenta,
Huwag mo namang pasamain ang luto mo, mapansin ka lang. Marahil, ina-appreciate naman nila ang luto mo pero hindi lang sila demonstrative.
Minsan, kailangan mong direktang hingin ang kanilang masasabi sa luto mo.
Palagay ko naman wala sa kanila ang magsasabi ng negatibo.
Dr. Love