Dear Dr. Love,
May kalaguyo ang mister ko. Noong una, and that was six years ago, ipinaalam niya sa akin ito at nakiusap na payagan ko siyang dalaw-dalawin ito dahil may terminal cancer at isang taon na lang ang itatagal.
Ako namang si gaga ay pinayagan ko siya. Lumipas ang dalawa hanggang anim na taon, buhay pa ang babae niya.
Nalaman ko pa na may anak na sila. Nang komprontahin ko, ang sabi, wala raw siyang magagawa kung pinaghimalaan ng Diyos ang kalaguyo niya.
Nilayasan ko siya at nakipisan ako sa kapatid kong matandang dalaga. Binabalikan ako ngayon pero ayaw ko na.
Tama po bang ipa-annul ko ang kasal namin?
Kring-Kring
Dear Kring-Kring,
Ang kataksilan ay ground para sa paglusaw ng isang kasal.
Puwede mo rin siyang ipagsakdal ng concubinage lalo pa at mayroon na silang anak na isang matibay na ebidensya.
Hangga’t maaari, mas mainam sana na maresulba at mapanatili ang pagsasama ninyo pero kung sadyang irreconcilable na, ikaw na ang magdesisyon.
Kumunsulta ka sa abogado.
Dr. Love