Nagdadalawang isip sa boyfriend

Dear Dr. Love,

Ang nais ko sana, kung mag-aasawa ako ay ‘yung tunay kong mahal at handang ma-ging partner hanggang kamatayan. Tawagin mo na lang akong Eloisa, 26 anyos at isang accountant.

May boyfriend ako pero hindi ko maunawaan ang sarili ko kung mahal ko siya o attracted lang ako sa kanya. May mga pagkakataon kasi na ang pakiramdam ko ay mahal ko siya pero kung minsan, parang hindi. Pabagubago ang andar ng isip ko. Ayaw ko kasi na kapag kasal na kami ay biglang mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ano ang dapat kong gawin?

Eloisa

 

Dear Eloisa,

Kung may pagdududa ka sa damdamin para sa boyfriend mo, mas makabu-buting mag-isip kang mabuti bago pasukin ang permanenteng relasyon.

Tama ka sa iyong sinabi na dapat sigurado ka na siya na ang kakasamahin mo hanggang kamatayan.

Nagtataka lang ako kung bakit ganyan ang takbo ng utak mo na parang isang nagdadalaga pa lang.

Dapat sa edad mo ay mature na ang pag-iisip mo.

Pero komo mukhang wala ka pang katiyakan sa damdamin mo, mag-isip ka munang mabuti.

Dr. Love

Show comments