^

Dr. Love

Ibinuhos ang lahat pero iniwan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Lorie. Ang hirap pala na ibubuhos mo ang lahat para sa minamahal mo. Akala ko kasama ko siya sa iisang pangarap. May mali rin ako, dahil nagtiwala ako na may babalikan pa ako, pero wala na pala.

Ayaw niya akong payagan na umalis papuntang Japan. Pero tumuloy pa rin ako. Noong una, nagcha-chat pa siya at video call. Padala rin ako nang padala sa kanya ng mga kailangan niya.

Hindi ko siya nakakalimutan, sa araw-araw ng pagod ko ay tinitiis ko. Limang taon ang kontrata ko kaya medyo matagal.

Hayun lumipas ang ilang buwan, bigla na lang siyang nag-message na suko na raw siya at hindi na makapaghintay.

Nang silipin ko ang fb account niya, may kasama na siyang ibang babae sa mga photos niya. Umaasa ako, pero hindi ko alam kung kailangan pa bang ipagsiksikan ko ang aking sarili sa kanya.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko para maka-move on.

Lorie

 

Dear Lorie,

Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa taong ayaw na sa iyo. Isipin mo na hindi ikaw ang talunan sa relationship ninyo. Siya ang nawalan ng isang taong tapat na nagmamahal. Mabuti hangga’t maaga ay nagsabi na siya sa iyo, kaysa itago pa niya. Love yourself. Ingatan mo ang sarili mo. Focus ka muna sa trabaho at pamilya mo.

Kung may nawala, malamang may dahilan. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Hindi ka naman dapat magpabaya dahil sa taong hindi marunong magtiyaga.

Pagyamanin mo ang sarili mo at natitiyak ko, gaya ng marami malalampasan mo rin ang negatibong emosyon. Sa sandalling iyong, magiging mas matalino ka at matatamo ang tagumpay na buhay.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with