^

Dr. Love

Isang iglap na pag-ibig

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkakilala kami ni Nilda sa isang birthday party at sa una ko pa lang pagkakita sa kanya ay attracted agad ako sa ganda niya. Walang make up at kung manamit ay very conservative.

Pagkatapos ng handaan inalok ko siyang mamasyal at pumayag siya. Pumasok kami sa isang mall at nanood ng sine at doon ako nagtapat ng pag-ibig sa kanya.

Wala siyang kibo at nang akbayan ko siya, inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Parang apoy na nag-alab ang feelings ko kaya hinagkan ko siya ng mariin sa kanyang mga labi.

Lumabas agad kami ng sinihan at ang tagpong yaon ay nagwakas sa isang motel.  Matapos nun ay humingi ko ang cellphone number niya pero tumanggi siya.

Aniya, hindi siya nagsisisi sa nangyari sa amin pero sapat na ang minsan naming pagtatagpo. Ipinagtapat niya na nilayasan niya ang malupit niyang asawa at ang naganap sa amin ay bugso lang ng kanyang galit at magkaganun man, mahal na mahal niya ang asawa niya.

Nagkanya-kanya kami ng uwi at ako’y natulala. 

Dr. Love, mahal ko siya at nasa isip ko pa siya until now. 

Nung una, nasabi ko sa sarili na siya ang babaeng aking pakakasalan.

Ricarte

Dear Ricarte,

Sa buhay, sadyang may mga pangyaya-ring  labis na naka-kagulo ng isip.  Ituring mo na lang itong bahagi ng makulay mong karanasan.

Kung umibig ka man sa mahiwagang babaeng ‘yun, huwag mo na siyang sika-ping matunton kung siya’y may asawa na. Matindi ang problema niya sa asawa kaya marahil, ang nagawa niya ay bunga ng pagrerebelde ng kanyang kalooban.

Kalimutan mo siya at pasasaan ba at makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin na puwedeng pakasalan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with