Sumpungin

Dear Dr. Love,

Hindi ko maunawaan ang ugali ng asawa kong si Monsi. Sa limang taon naming pag-sasama ay napakabait at uliran niya.

Ngunit may mga pagkakataon na mainit ang kanyang ulo at hindi makausap.

Kapag pinilit ko siyang magsalita ay sini-singhalan ako. Sa loob ng isang buwan, may isa o dalawang beses siyang nagkakaganoon.

Isang buong araw ay ganoon siya at nagkukulong siya sa kuwarto at nakasubsob sa pagpipinta.

Si Monsi ay isang artist at kumikita siya sa pagbebenta ng kanyang mga paintings sa isang gallery.

Minsan ay kinukomisyon siya ng mga mayamang mahilig sa work of arts.

Ngunit maski papaano, nasasaktan ako sa inuugali niya lalo pa’t sinisigawan niya ako.

Ano ang gagawin ko?

Gracita

Dear Gracita,

Iyan ang common trait ng mga artist - temperamental.

Ayaw nilang maistorbo lalo pa’t nag-iisip sila ng subject na ipipinta.

Kaya unawain mo na lang siya.

Tutal ay mabait at ulirang asawa naman siya sa pangkalaha-tan.

Pagpasensyahan mo na lang ang mga sandali kung siya ay may sumpong dahil sa mga oras na iyon, nakatuon ang kanyang isip sa kanyang bokasyon bilang a-lagad ng sining.

Dr. Love

Show comments