Nagkabalikan after 40 years

Dear Dr. Love,

Childhood sweetheart ko si Cenon. Thirteen years old ako at siya ay katorse nang maging “kami” hanggang naglayo ang aming mga landas nang mag-college na.

Pinadala ako sa Manila ng parents ko para mag-aral sa kolehiyo, samantalang si Cenon ay nanatili sa aming probinsya sa Davao del Norte para roon magpatuloy sa college.

Palibhasa’y bata pa lang kami, madali ka-ming nagkalimutan at nang matapos ng college ay nagsipag-asawa.

After 27 years of marriage ay namatay ang aking mister at iniwan niya sa akin ang kaisaisa naming anak.

Sinikap kong magtayo ng negosyo dahil business administration ang tinapos ko at umasenso naman ang buhay ko.

After another ten years, aksidenteng nagkita kami ni Cenon.  Puti na ang buhok ngunit pogi pa rin.

Nagkakilanlan kami agad at sinariwa namin ang magaganda naming nakaraan. Biyudo na rin siya.

Pareho na kaming lampas sa singkuwenta anyos. Nililigawan niya uli ako pero sa pakiramdam ko ay matatanda na kami. Nakakahiya yata.

Pero sa loob-loob ko ay parang gusto ko ang iniaalok niyang magpakasal kami.

Tama ba ito?

Joanna

Dear Joanna,

Walang mali sa pag-ibig at kahit matanda na ay may karapatan pa ring magmahal at mahalin.

Nagmahalan na kayo 40 years ago kaya walang masama kung ang naputol na relasyon ay muli ninyong pagdugtungin.

Go for it! Ang Diyos ang nagsabi na hindi mabuti sa tao ang nag-iisa. Lahat tayo ay nangangailangan ng katuwang.

Maaaring hindi na kayo mabibiyayaan ng anak pero ang mahalaga ay ang companionship. Iba ang may karamay ka sa hirap at ginhawa

Dr. Love

Show comments