^

Dr. Love

Tutol sa DI na karelasyon ng ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please, pakitago na lang ako sa pangalang Rudy, 20 anyos. Ang problema ko po ay tungkol sa mommy ko na isa nang biyuda. 49 anyos na siya at five years ago nang mamatay sa stroke ang aming ama.

Mula noon ay naloko sa ballroom dancing ang mother ko, nang yayain siya ng kaibigan niyang biyuda rin. Okay lang naman ‘yun para sa aming tatlong magkakapatid dahil gusto rin namin siyang maglibang.

Pero nabalitaan namin na ang kanyang dance instructor na ka-edad ko ay boyfriend niya. Nakumpirma ko ito nang isang madaling araw, hinatid siya ng DI sa bahay at nakita ko sila sa bintana na naghahalikan nang matagal. Hanggang ngayon ay hindi niya alam na nakita ko ito. Hindi ko rin ito sinabi sa mga kapatid ko dahil takot akong magkagulo kami.

Dapat ba naming pagbawalan si mommy sa kanyang pakikipagrelasyon?

Rudy

Dear Rudy,

Walang masama sa ballroom dancing kung ang layunin ay maglibang lang.  Pero kapag may namuong relasyon sa DI at sa tinuturuan, delikado iyan, lalo pa’t matanda na ang iyong ina. Baka gawin siyang sugar mommy. Kahit mga anak lang kayo, pagsabihan n’yo siya na putulin ang ganyang relasyon. Hindi bale sana kung mahal siya ng lalaki na sa malamang ay hindi.

Siguradong may ibang kliyente ang DI na iyan at isa lamang ang ina ninyo na pinagkukunan niya ng sustento.

Dr. Love

vuukle comment

RUDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with