^

Dr. Love

Nakursunadahan  din ng chubby

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Louie. Tukso sa akin ng aking mga katropa ay Louie bitin. Halos lahat kasi ng isinusuot ko ay bitin sa akin. Lumaki na kasi ako ng sobra.

Naiinggit tuloy ako sa mga kaibigan ko na may mga jowa na, ako na lang ang wala.

Nag-try na rin akong mag-diet, kaso lalo lang akong naghahanap ng mas maraming makakain kapag nagutom ako. Parang wala ring nangyayari o baka lalo lang akong lu-malaki.

Hindi rin ako makadiskarte sa mga babae kasi hindi lang sa naiilang sila sa akin, kundi pati ako ay naiilang sa sarili ko. Dahil nagmumukha akong magulang at ang nakakasama ko ay napagkakamalang anak ko, ‘di ba dyahe.

Eto na, may nakilala ako sa party ng pinsan ko. Ang sabi nila, type raw ang gaya kong chubby, ganon din kasi siya, malusog na gaya ko.

“Patay tayo dyan!,” ‘yun agad ang nasabi ko. Para sa akin, ayoko sana ng chubby na partner, kasi relate much na ako dun eh.

Pero kung iisipin, hirap akong makakita ng ideal girl na talagang type ko at ‘yung gusto rin ako sa kabila ng pagka-chubby ko.

Kaya bakit nga kaya hindi na lang ang gaya ko ang bigyan ko ng chance para magkaroon na rin ako ng love life at hindi na mapag-iwanan ng tropa? Tama naman, di ba?

Ideal pero suntok sa buwan, ‘di chubby na rin para hindi mahirapan mag-adjust.

In short, nagkakilala na kami ng chubby na girl at on-going ang aming communication. Ang hindi ko lang alam ay kung seseryosohin ko talaga siya.

Sa ngayon, kwentuhan ng iba’ti ibang bagay sa buhay namin. Napansin ko na sweet siya at makwela rin na gaya ko.

Siya na nga kaya ang para sa akin, Dr. Love?

Louie

Dear Louie,

Huwag ka nang magpatumpik tumpik. Kung nararamdaman mo na magkakasundo kayong dalawa ng girl ay bakit ayaw mo siyang seryosohin.

Tuloy lang kung kayo na talaga ang pinagtagpo, eh ‘di wow!

Enjoy her company at kung gusto mo, mag-work out kayo together. Magandang bonding moment ‘yun para sa inyong, na ang umtimate goal ay maging health.

Mas ok kung enjoy kayo dahil magkasundo, at enjoy din dahil masigla ang katawan.

Basta ang  mahalaga naman ay masaya kayo sa piling ng isa’t isa.

DR. LOVE

LOUIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with