Dear Dr. Love,
Ako po si Dada. Ewan ko ba sa asawa ko. Ma-rami na nga akong iniintindi sa araw-araw namin na buhay, nagdagdag pa siya ng problema. Sinabihan ko siyang humanap ng trabaho hindi sakit ng ulo.
Biro po ninyo, pauwi na siya nang may tumawag na isang kumpanya na pinagre-report siya kinabukasan. Ang problema sinagot niya ang tawag sa cellphone niya habang tumatawid.
Hayun nahagip siya ng isang motor rider. Ang akala ng rider nagbibiro lang siya na nasaktan siya.
Ayaw pa siyang intindihin at balak pang iwanan siya. Mabuti at marami ang nakakita.
Sinisisi niya ang msiter ko dahil hindi nga naka-tingin habang tumatawid.
Nagsabi ang rider na wala siyang pampa- medical sa kanya. Tinulungan siya ng chairman na madala sa ospital.
Nag-abot naman ang rider ng isang libo kinabukasan, inis na inis ako pero wala akong magawa. Ito na talaga yata ang kaloob ng Diyos sa amin. Pero nagpapasalamat ako at hindi siya natuluyan. Naghahanap pa rin kami ng pera para ilabas ko siya sa ospital.
Dada
Dear Dada,
Pasalamat ka hindi naging malala ang nangyari sa mister mo. May awa ang Diyos, hindi niya kayo pababayaan. Pero paalalahanan mo ang msiter mo na sa susunod kapag sasagot siya ng cellphone tumabi muna siya o kaya humanap ng isang lugar na safe. Sa mercury drug o kaya sa isang convenient store.
Wala namang magagawa kung sisisihin mo pa siya. Ipagdasal mo na gumaling siya para makahanap na uli ng trabaho. Pero huwag mo siyang pwersahin kung hindi pa niya kaya.
Lagi mong ipagda-rasal ang kaligtasan ng mister mo. Kasama na rin ang mga anak ninyo. Ingat lang lagi. Stay safe and be calm.
DR. LOVE