^

Dr. Love

Pinag-awayan ng tibo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lapitin ako ng lesbian. Simula nang mag-bf ako ng lesbian, nilalayuan na ako ng mga lalaki. Matapang kasi ang itsura ng lesbian na naging bf ko. Malaki pa ang katawan niya. Umabot kami ng almost five years. Sweet siya at bigay lahat ng luho ko.

Isa pang nakakabilib sa kanya, buo ang loob niyang hinarap ang mga magulang ko. Nakuha pa niya ang kiliti nila. Pero nauwi sa pagkakalabuan ang relasyon namin.

Nagsimula ito nang makilala ko ang trainor sa isang marketing seminar namin, lesbian din. Kamukhang kamukha siya ng bf ko, mas sakalam lang ang dating.

Marami akong natutuhan sa kanya para mas gumanda ang takbo ng career ko. Mas kumportable ako sa kanya, hindi lang sa porma kundi maging sa disposisyon niya.

In short, nabaling ang pagtingin ko kay trainor at nanlamig na ako kay bf.

Ang naging problema ko, nagkataon nagkatagpo ang dalawa nang sabay bumisita sa bahay. Ayun! Nag-away na. Nabulabog ang buong bahay namin na ikinagalit nang  husto ni papa. Kung bakit lesbian pa raw ang nag-aagawan sa akin. Pareho kong pinaalis ang bf at trainor ko.

Angge

Dear  Angge,

Hindi ko masisisi ang papa mo sa nagi-ng reaksiyon niya. Pero nasa iyo ang huling desisyon, kung pakikinggan mo ang magulang mo o mananaig sa’yo ang pakikpagrelasyon sa parehong kasarian.

Ang maipapayo ko ay suriin mo ang iyong damdamin, una para sa karelasyon mo. Sakaling makumpirma mo na mas nakakalamang ang trainor mo, makipaghiwalay ko na para walang gulo.

Sana rin ay bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na mapalapit sa mga binata. Dahil ang kasariang ito ang nakatakda para sa dalagang gaya mo.  Para rin mapagham-bing mo ang mala-king pagkakaiba ng pakikipagrelasyon sa lesbian at sa tunay na lalaki.

DR. LOVE

LESBIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with