^

Dr. Love

Sinisisi sa nagbulakbol na anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Nelda. Sinisisi ako ng aking biyenan dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang aming nag-iisang anak dahil sa pagbubulakbol. Kung sa paalala, hindi kami nagkulang ng mister ko. Lagi naming pinapaalalahanan ang aming anak. Nahilig kasi sa pagkanta kanta.

Kung may higit na nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral ang aming anak, syempre kaming mag-asawa ‘yun.

Ang kinalulungkot ko minsan, feeling ng mister ko, ako ang nagpabaya sa anak namin. Sana nga raw kung babae ang anak namin, kahit hindi nakapagtapos pwede namang makapag-asawa ng isang professional. Kaso lalaki ang anak namin. Paano nga raw makabubuhay ng pamilya kung hindi nagtapos ng kahit isang kurso ang anak namin. Sayang third year na siya sa kursong  financial management.

Ang alam ko pumapasok siya ng school pero nagbubulakbol lang pala. Nag-enroll ng first sem, tapos ng second sem pero ayaw ng pumasok. Magtatrabaho na lang daw muna siya. Tutal sarili lang naman daw niya ang iintindihin niya balang araw. Saka malay raw namin, ma-discover siya ng isang recording company. ‘Yun ang ikinasasama ng aking kalooban. Parang nasayang lahat ang mga pinundar namin para sa kanya. Nagagalit ang mister ko sa kanya.

Sinabihan ko ang aking anak na huwag papatol sa tatay niya. Alam naman niya kung ano ang ikinagagalit ng kanyang ama.

Sana magbago pa ang isip ng anak namin. Gusto ko na nga lang i-enroll siya sa music course.

Nelda

Dear Nelda,

Tama ang naisip mo, pwede mo naman hikayatin ang anak mo na kumuha na lang ng music course. Medyo may kamahalan lang, lalo na kung conservatory of music. Pero worth it naman kung talagang sa larangan ng musika ang hilig niya.  Mainam na matapos niya ang kolehiyo dahil malaki ang maitutulong nito sa career niya.

Pakiusapan mo na lang muna ang mister mo na maging mahinahon at mapagtimpi. Wala talagang maitutulong kung lagi niya lang sesermunan ang inyong anak. Pagtiyagaan mong makumbinsi siya, tutal third year college na siya. Kahit naman maantala ang pagtatapos niya, ang mahalaga may tinapos siya.  Sa mga anak, please huwag madalin ang buhay. Aral lang muna. Dapat gusto niya ang kursong kukunin niya para nag-e-enjoy siya.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with