^

Dr. Love

Hirap paniwalaan ang ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang taon na po kaming hiwalay ng ex ko, si Cristina. Matagal na rin po kaming walang komunikasyon sa isa’t isa simula nung niloko niya ako.

Hindi naman po sa bitter ako sa kanya, pero ubod po talaga siya ng sinungaling. Kaya halos lahat ng sabihin niya sa akin ay ‘di ko na magawang paniwalaan.

Nagulat po ako dahil nag-send po siya sa akin ng picture ng isang bata sa messenger. Pagkakaalala ko kasi ay naka-block na ako sa social media account niya. Kinamusta niya ako at dahil matagal na naman akong naka-move on sa kanya ay kinamusta ko rin siya.

Doon niya rin po sinabi sa akin na nagkahiwalay na raw sila ng naging syota niya. Pero ang matindi po sa lahat, sinabi rin niya na sa akin na bago kami maghiwalay ay nabuntis ko raw po siya.

Sinasabi rin niya na ‘yung batang nasa picture ay anak ko raw. Nahihiraaan po akong maniwala dahil ilang beses na rin siyang nagsinungaling sa akin. Pero ‘pag titingnan ko ‘yung picture ng bata, medyo kahawig ko nga po. Ano po kaya ang maipapayo n’yo sa akin?

Patrick

Dear Patrick,

Mabuti pa ay makipagkita ka sa kanya kasama ‘yung bata. Kung tunay na anak mo naman ‘yung bata ay posibleng makaramdam ka ng lukso ng dugo.

Isang mabisang paraan ay DNA exam para makasiguro ka, kung papayag ‘yung ex mo. At kung sakaling anak mo nga talaga ‘yung bata ay dapat pag-isipan mo rin kung ano ang susunod mong gagawin. Pwede ka rin humingi ng advise mula sa mga legal adviser bago ka magdesisyon.

‘Pag nalaman mong anak mo talaga ‘yung bata pwedeng panindigan mo silang mag- ina kung matatanggap mo pa ‘yung ex mo. Pero pwede rin namang panindigan mo kahit ‘yung bata lang dahil responsibilidad mo naman talaga iyon bilang tatay niya.

DR. LOVE

vuukle comment

CRISTINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with