Hinaing ng single mom
Dear Dr. Love,
I’ll be direct to the point. Ako po si Susan, isang single mom. Iniwanan ako ng aking ka-live in nang ako ay nabuntis at ayaw kilanlin ang aming baby.
Itinaguyod kong mag-isa ang aking anak at itinuring kong challenge sa buhay ko. Three years old na ang anak ko nang may nanligaw sa akin.
Tawagin mo na lang siyang Mandy.
Sabi niya, mamahalin niya ako sa kabila ng aking pagiging dalagang ina.
Kapag dumadalaw siya sa bahay ay lagi siyang may pasalubong sa anak ko. Inakala ko na ituturing niyang anak ang anak ko.
Dahil dito ay tinanggap ko siya at kami ay nagsama. Pero matapos lang ang isang buwan at nagbago siya.
Sabi niya, ibigay ko sa mga parents ko ang aking anak dahil ito ay hindi niya maituturing na kanya dahil hindi siya ang bumuo.
Dapat ko pa ba siyang pakisamahan?
Susan
Dear Susan,
Bago madagdagan ng isa pa ang anak mo, hiwalayan mo na ang lalaking iyan.
Selfish kind ang pagmamahal niya sa iyo kung hindi niya matanggap ang bu-nga ng iyong kahapon. Kapag nagkaanak ka pa sa kanya, lalong bibigat ang pinapasan mong problema.
Mas makakabubuti kung huwag ka na lang magkaroon ng partner kung hindi ka lang din nakatitiyak na mamahalin ka niya ng tunay at tapat; gayundin ang iyong anak.
Higit na mabuti kung pagtuunan mo na lamang ang iyong anak.
Busugin mo ng pagmamahal at kalinga nang sa gayon ay hindi niya alintana ang kawalan ng ama.
Dr. Love
- Latest