Dear Dr. Love,
Matagal ko nang gustong sumulat sa iyo tungkol sa problema ko sa aking anak na babae. Twenty six years old na siya at ang problema sa kanya ay madali siyang mapaibig ng lalaki. Dalaga pa siya until now.
May intsura ang anak ko pero nung bata pa siya ay na-diagnose siya na may mild autism. Slow learner siya dahil hindi siya makapag-focus sa bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Pero nang mag-high school siya ay parang na-overcome niya ang handicap na ito. Hindi man siya masyadong matalino pero naipapasa niya ang mga subjects. Nang matapos siya ng high school, ayaw na niyang magpatuloy sa kolehiyo.
Nang magdalaga siya ay maraming nanligaw sa kanya at ang bawat isa ay sinagot niya ng “oo.” Ako na tuloy ang humihingi ng sorry sa mga lala-king sinasagot niya at ipinaliwanag ko ang kanyang mental condition.
Kung titingnan siya ay mukha naman siyang normal pero nakakagawa siya ng mga desisyong hindi tama dahil wala sa loob niya. Dahil dito ay hindi ko siya hinahayaang umalis ng bahay na walang kasama. Ayaw ko siyang mapahamak. Pagpayuhan mo ako Dr. Love.
Mrs. Bothered
Dear Mrs. Bothered,
Mapagbiro kung minsan ang tadhana at hindi natin malaman kung bakit binibigyan tayo ng Diyos ng mga supling na magiging pasanin natin pagdating ng ayaw. Marahil ito ay kasama sa mga pinahihintulutan niyang pagsubok sa bawat tao.
Ang autism ay isang anomaly sa pag-iisip at sa pagkaalam ko ay hindi nabibigyan ng lubos na lunas bagamat ang pasyente ay puwedeng sumailalaim sa rehabilitation at therapy upang maging manageable ang diprensya.
Hindi ako eksperto diyan dahil hindi ako doktor pero nasubukan mo na bang ikonsulta sa dalubhasang psychiatrist ang iyong anak? Baka sakaling may pa-raan pa para ma-address ang kanyang problema.
Kung mukha namang normal sa kanyang mga ikinikilos ang inyong anak, marahil naman ay may matitira pa siyang right reasoning para ma-overcome pa ang kanyang depekto sa tulong ng isang psychiatrist.
Dr. Love