^

Dr. Love

Sa pasaway na mister Nagmumukhang nagger

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang po akong Flora. Sinasabihan ako ng kapitbahay namin na huwag daw akong masyadong nagger.

Eh, kaya lang naman ako nagkakaganon laging pasaway ang msiter ko.

Sino ba naman matutuwa sa ginagawa niya. Ako ang naghahanap-buhay, siya na nga lang ang mag-aasikaso sa aming mga anak para sa pagpasok nila, ang kupad.

Nauuna pang gumising ang aming mga anak kaysa sa kanya.

Dadalawang bata, hindi niya maasikaso. Kaya lang naman siya pinag-aasikaso ko ay para hindi ako ma-late sa opis namin.

Ang hirap kaya kung ako pa ang iintindi sa kanila. Tapos sa gabi ako pa ang magluluto para sa hapunan.

Pagod na sa trabaho, pagod pa rin sa bahay.

Hindi ko tuloy mapigilan ang masigawan siya lalo na kung nale-late na ang mga bata sa pagpasok sa school nila. Ayaw ko naman maging nagger pero hindi ko mapigilang ma-galit sa kanya.

Ewan ko ba, simula ng umuwi siya rito sa Pilipinas, ayaw ng magtrabaho at gusto manood na lang ng tv o kaya maglaro ng online games.

Flora

Dear Flora,

Kung hindi mo tututukan ang sitwasyon, maaaring maging malala pa ito.

Kaya ngayon pa lang, ayusin na ang pakikitungo ninyo sa isa’t isa ng iyong mister.

Ayaw na ayaw ng mga lalaki ang natatapakan ang kanilang pride.

Malamang isang paraan niya ang kawalan ng gana sa mga sinasabi mo na paulit-ulit.

Ang mabuti pa, laging mong ipaalala sa kanya na hindi ka nag-uutos sa kanya, bagkus humihingi ka ng tulong para maasikaso ng mabuti ang inyong mga anak.

Kailangan talagang may tututok sa mga bata.

Humanap ka ng paraan para maiiwas siya sa mga hindi niya dapat ginagawa, dahil may asawa’t anak na siya.

Hindi na siya binata para maging ires-ponsable.

Para hindi rin siya tularan ng inyong mga anak. Basta sa maayos na paraan.

DR. LOVE

FLORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with