^

Dr. Love

Gustong ligawan ang anak ng ninong

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Allan. Pwede ko po ba ligawan ang anak ng ninong ko? Sa tagal naming hindi nagkita, hindi ko akalain na ang natitipuhan kong ligawan ay anak ni ninong.

Nakilala ko siya sa isang party, in-introduce sa akin ng tropa. Kalaunan sa kwentuhan ay nalaman ko na panganay na anak siya ni ninong, kaya pala halos magkaedad kami.

Kilala niya ang mga kakilala ko. Siya pala ‘yung naging kalaro ko noong bata pa ko. Taga-Malabon na kasi sila habang kami ay sa Tundo nakatira.

Minsan akong inaya ng tropa dahil may ipakikilala nga raw sila. Nakakatawa dahil paghatid ko sa kanila si ninong ang bumungad sa akin.

Medyo nahihiya nga ako. Pero crush ko ang anak niya. Seryoso ako na liligawan ko ang anak ni ninong. Ok lang kaya ‘yun?

Allan

Dear Allan,

Wala namang masama kung ligawan mo ang anak ng ninong mo. Wala naman sa batas ng simbahan at lipunan natin na bawal ligawan ang kinakapatid.

‘Yun lang, siguraduhin mong papasa ka sa kanya. Mainam pa nga iyon dahil kakilala na ng tatay niya ang magiging bf niya.

Isa pa, dapat maging maayos ka dahil malamang maisusumbong ka nila sa mga magulang mo. Alam na ba nila ang balak mo? Hindi naman sila siguro tatanggi kung nagmamahalan kayo.  O sige pagbutihan mo para pumasa ka sa liligawan mo.

DR. LOVE

ALLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with