^

Dr. Love

Ang tunay na kagandahan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod akong bumabati sa iyo at sa iyong mga tagasubaybay. Tawagin n’yo na lang akong Ester, 24 anyos. Maraming friends ang kumakantiyaw sa akin dahil guwapo at tipong artista ang jowa ko samantalang ako ay mataba at 4’11 lang ang taas.

Minsan nga, nakakapikon na sila kahit alam kong  binibiro lang nila ako. Kesehoda, sabi ko. “Inggit lang kayo.”

Kahit sinasabi ng boyfriend ko na magaganda ang naging girlfriends niya noon, pero ako raw ang pinakamamahal niya dahil sa ganda ng aking kalooban. Kahit kulang daw ako sa ganda, hindi niya ako ipagpapalit kahit kaninong beauty queen.

Kahit daw tinutukso siya ng kanyang mga friends, balewala sa kanya at ako ang babaeng pakakasalan niya. Gusto raw niya ako dahil ang lahat ng mga nakarelasyon niya ay pinagtaksilan siya. Sa akin daw niya nakita ang katapatan.

Five months pa lang kami. Natatakot ako na baka lolokohin lang niya ako dahil wala naman akong kagandahang ipagmamalaki. Ano ang gagawin ko?

Ester

Dear Ester,

Ang pag-ibig na tunay ay laging may lakip na pagtitiwala. Kahit magkasintahan kayo, huwag mong isusuko ang iyong pagkababae kung hihingin niya ito.

Sa ganyan, lalong tataas ang respeto ng iyong kasintahan sa iyo.

Pero kung hindi siya nagte-take advantage sa iyo, ibig sabihin ay iginagalang ka niya at totoo ang pag-ibig niya sa iyo. Alam mo, ang kagandahang panlabas ay hindi batayan kung mamahalin o hindi ang isang tao.

Higit na importante ang kabutihan ng ugali at katapatan.

Dr. Love

ESTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with