Naunsiyaming ambisyon

Dear Dr. Love,

Dahil ipinanganak ako sa isang maralitang pamil-ya, ambisyon ko mula pagkabata ang magtapos ng college, magtayo ng negosyo at hanguin sa kahirapan ang aking mga magulang.

Tawagin mo na lang akong Celiz, 21 years old. May talento ako sa pananahi na ginamit ko para makapag-impok para sa aking pag-aaral. Ang nanay ko ay tindera ng isda sa palengke at ang tatay ko ay namamasada ng tricycle.

Nang makapagtapos ako ng high school nasa  mahigit sa P100 libo ang naipon ko, ginamit  ko ito para makapag-enroll sa kursong business administration.

Nasa unang taon ako nang makilala si Fernan, accountancy ang kinukuha niya. Naging kami at sa kapusukan, nabuntis ako. Pinaghiwalay kami ng aming mga maguang para magtapos ng pag-aaral. Ang problema ngayon, pinagtatalunan kung kanino dapat mapunta ang isang taong gulang na anak namin. Ano ang maipapayo ninyo?

Celiz

Dear Celiz,

Dahil sanggol pa lang ang inyong anak, sa ilalim ng batas, ikaw ang may karapatang mangalaga sa kanya.

Payagan mo na lang makabisita si Fernan paminsan-minsan.

Buti na lang at may mga magulang kayong marunong umunawa. Magsilbing aral nawa ang karanasan mo sa ibang kabataan.

Dr. Love

Show comments