Dear Dr. Love,
Ako po si Analyn, 28 anyos at matatawag na bunga ng kapusukan ng aking ina at ng kanyang boyfriend nang sila ay mga teenanger pa.
Ni minsan ay hindi ako naalagaan ng aking ina dahil na nakapag-migrate siya sa America at ngayon ay may asawa na.
Lumaki ako sa aking tinatawag na “mommy,” kapatid ng nanay ko. Siya at ang kanyang asawa na tinatawag kong “daddy” ang nag-aruga at nagpalaki sa akin.
Itinuring akong tunay na anak ng akin mommy at ng kanyang asawa na sabay namatay sa car accident.
Nakapag-asawa ako ng lalaking laging aburido. Laging aligaga ang isip sa mga babayarang utang. Magkapareho sila ng aking kinilalang daddy nang ito ay nabubuhay pa.
Pero I’ve learned a lesson from my foster mother.
Naaalala ko pa two years ago nang buhay pa sila, madalas din mag-worry si daddy sa mga unpaid bills sa ilaw at tubig. Pero pinapa-kalma lang siya lagi ng mommy.
Sinasabi lagi ni mommy na huwag mag-alala at may darating na tulong mula sa Diyos at maaayos lahat ang kanilang dapat bayaran.
Ang asawa ko ay ganyan ang attitude. Pinang-aawayan namin lagi ang pera.
Kung tutuusin, lagi naman kaming on time kung makapag-settle ng mga bayarin, bagamat may mga panahong nade-delay.
Paano mababago ang mister ko?
Analyn
Dear Analyn,
Dapat ma-realize niya na wala namang panahong pinaba-yaan kayo ng Diyos at bagamat minsan ay nade-delay ang inyong pagbabayad ng bill, hindi naman kayo pumapalya.
Tanungin mo siya kung nagkaroon na ng pangyayaring naputulan kayo ng kuryente o tubig. Wala siyang dapat ipag-worry.
Dumarating ang blessing ng Diyos sa tamang oras. Hind maaga at hindi rin naman atrasado.
Ayon sa statistics, ang 90 porsyento ng ipinag-aalala ng mga tao ay hindi naman nangyayari.
Pero likas na yata sa marami ang pagi-ging worry-bug na pa-latandaan ng kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
Sabihin mo sa kanya na walang mabu-ting ibinubunga ang pag-aalala.
Basta manatili lang siyang sumasampalataya sa Panginoong na nangakong hindi tayo pababayanan kailan man.
Dr. Love