Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Rommie, kapapanganak pa lang ng aking misis. Ano po ba ang maipapayo ninyo?
First timer po. Isusunod ko na sa pangalan ko para may junior na ako agad, ok lang po ba ‘yun?
First baby namin kaya excited po ako. Maaga po kaming nagsama ng misis ko. May trabaho naman po ako at nagtitinda kami ng mineral water sa tapat ng amin bahay.
Kaso wala pa po akong ideya kung paano ang maging isang tatay. Hindi pa kami kasal kaya wala kaming dinaluhang seminar.
May mga nababanggit ang mga matatanda dito sa amin. Kaso magkakaiba ang mga pananaw nila.
Pwede po bang mapayuhan ninyo kami para maging maayos ang pagpapalaki namin sa aming anak?
Rommie
Dear Rommie,
Kapag nagmamahalan kayo at hindi kayo mapigilan, magsama na kayo.
Hindi ganoon kadali ‘yun. Sagrado ang pagpapamilya. Dapat lang pinaghahandaan ang lahat para maging maayos ang takbo ng buhay.
Wala namang perpektong relasyon pero mas mainam na maging matatag kayo sa inyong pagsasama.
Siguraduhin ninyong mahal ninyo ang isa’t isa dahil ito ang magpapatatag sa inyo.
Pakinggan ninyo ang mga payo ng mga matatanda sa inyo dahil pinagdaan na nila kung paano ang magpalaki ng anak.
Marami ring libro at videos sa internet na makakatulong sa inyo. Mas mainam na sumali kayo sa mga marriage encounter sa inyong siimbahan o church.
Ang kaligtasan at proteksiyon ng inyong anak ay napakahalaga. Gawin ninyong regular ang pagpapakunsulta sa doktor para sa kanyang kalusugan.
Ikaw bilang tatay ang haligi ng iyong tahanan. Dapat lagi kang maaasahan ng iyong asawa’t anak.
Ayusin mo na rin ng pagpapakasal ninyo. Para may basbas ng Diyos ang pagsasama ninyo.
Huwag mong intindihin ang gastos. Pwede kayong magpakasal ng simple at hindi gagastos ng malaki.
DR. LOVE